Nagtipon-tipon ang mga magsisipagtapos sa gradwado at โdi-gradwado, pamunuan ng kampus, faculty, staff at mga panauhing pandangal para sa Baccalaureate Mass at Program na may temang โ๐๐ฆ๐ด๐ฑ๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ถ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฅ๐ถ๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฉ๐ข๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฏ๐จ๐ฆ๐ด ๐ต๐ฉ๐ณ๐ฐ๐ถ๐จ๐ฉ ๐๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ท๐ข๐ฏ๐ต ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ-๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐บ ๐๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐๐ฅ๐ถ๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏโ na ginanap sa 4th Floor Multipurpose Hall ng Innovation Hub Building, Miyerkules, ika-7 ng Agosto.
Bilang pasasalamat sa biyayang natamo ng mga magsisipagtapos, taimtim na isinagawa ang banal na misa ng pasasalamat na pinangunahan ni ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐ฟ. ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฅ. ๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐๐ฎ.
Ayon kay Fr. Mendoza sa kaniyang homiliya, huwag nawang kalimutan ng mga magsisipagtapos ang mga taong tumulong sa kanila upang maabot ang tagumpay na ito.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe ng inspirasyon si ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐ฟ. ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ฒ๐๐ต ๐ง. ๐ ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด, Rector mula sa Our Lady of the Visitation Seminary ng Cauayan City, na siyang panauhing tagapagsalita ng Baccalaureate.
Binigyang diin ni Fr. Mamauag ang kahalagahan ng pagtawid bilang isang tugon na magpapabago sa kasalukuyang kalagayan ng bawat magsisipagtapos.
Aniya, sa ilang taon na pamamalagi ng mga magsisipagtapos sa pamantasan, inihanda sila ng kanilang mga guro sa kung ano ang kanilang babaunin sa kanilang pagtawid. Huwag ding matatakot o manginig sa kanilang aabutan dahil inihanda sila ng pamantasan sa kanilang pagtawid.
Ibinahagi niya rin ang ang ilang butil-kaalaman na magagamit upang magkaroon ng ambag sa pagsisilbi sa bayan: ang katotohanan, kahusayan, at pagsisilbi.
โHindi isinisilang ang taong mahuhusay; ito ay bunga ng pagpupunyagi at hindi pagsuko hanggang maatim ang hangarin,โ ani Fr. Mamauag.
Isang makahulugang pagkakataon ang Baccalaureate upang maitanim sa isipan ng mga magsisipagtapos ang kahalagahan ng pagiging handa sa haharaping paghihirap upang makamtan ang husay na hinahangad.









