Panandaliang pagbabalik, ngunit puno ng damdamin. Sa bawat sulok ng unibersidad, dama ang pagbabalik ng mga yapak na minsang naglakad sa parehong landas ng pangarap. Ang ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฅ ngayong taon ay hindi lamang selebrasyon kundi isang muling pagtitipon ng mga pusong minsang nagsanib sa iisang adhikainโ€”ang paglingkuran ang bayan.

Sa ilalim ng temang ๐˜›๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜›๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜›๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ, muling nabuhay ang diwa ng pagiging isang tunay na PNUan. Sa halakhak ng mga dating magka-klase, sa mga palitan ng kwento, at sa mga mata ng muling pagkakakilanlan, naroon ang alaala ng pagsasama at pagtutulungan.

Hindi kailanman nalilimutan ang pinanggalingan. Sa kabila ng mga pagbabago, nananatiling matibay ang ugnayan. Ito ang lakas ng pamayanang PNUanโ€”bawat isa ay handang umalalay, makinig, at tumulong, gaya ng nakasanayan sa mga panahong tayoโ€™y nag-aaral pa.

Muli nating pinatunayan na saan man tayo mapunta, mananatili sa puso ang pamana ng pagkakaisa. Patuloy ang tawanan, tuloy ang tulungan, at habang may PNUan, buhay ang bayanihan.