Noong ika-18 ng Disyembre, 2025, ipinagdiwang ng PNUNL ang isang masaya at hindi malilimutang Christmas Program. Isang pagtitipon na puno ng saya, pagmamahalan, at pag-asa, kung saan ang bawat ngiti at tawanan ay nagdala ng liwanag sa mga puso. Sa temang “Isang Sandaling Espesyal at Masaya,” sabay-sabay na tinahak ang diwa ng Pasko, puno ng mga laro at mga mensahe ng pagkakaisa. Ang mga alaala ng araw na ito ay mananatiling buhay sa puso at isipan, isang paalala na sa kabila ng lahat, ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagkakaroon ng sama-samang pagmamahal at pagkakaibigan ng buong PNUNL.