Inulan man ang araw na itinakda ay walang makapipigil sa adhikain ng NL na ipagpatuloy ang nasimulang pagyakap at pagkalinga sa mga kapatid nating katutubo. Hindi alintana ang malayo at ilang mahihirap na daanan marating lamang ang kanilang lugar at maihatid ang mumunting handog.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ikalimapu’t taon ng PNUNL isinagawa ang pagbibigay ng Bags of Joy sa mga kapatid na katutubo sa bayan ng San Pablo, Isabela noong Hulyo 23,2024.
Gamit para sa pag-aaral ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang sekondarya at mga sangkap na magagamit sa kusina ay ilan lamang sa mga ipinagkaloob sa mga kapatid nating mga katutubo.
Mababanaag ang tunay na saya sa kanilang mga mukha at taos-pusong pasasalamat na nagmumula sa kanilang mga labi, iyan ang mga pamukaw sa pagod na siyang nadarama ng mga faculty at ilang mag-aaral na siyang nakilahok sa natatanging ekstensyon na ito.
Patunay na ang pagiging IP Hub ng PNUNL ang siyang magiging mitya sa mas marami pang proyekto at programa na maaaring ihandog at ipagkaloob sa mga kapatid na katutubo.











