Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto 2025, kinikilala ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon ang temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan” bilang paalala sa mahalagang papel ng kasaysayan sa paghubog ng pambansang kamalayan.
Bilang kanlungan ng makabayang kamalayan at tagapaghubog ng mga susunod na guro ng bayan, layunin ng PNU na maisabuhay at maipamana sa mga kabataan ang diwa ng kasaysayan bilang pundasyon ng ating kolektibong kasalukuyan at matatag na kinabukasan.

