Bilang pakikiisa ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2025, buong puso nitong sinusuportahan ang temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Patuloy na itinataguyod ng PNU North Luzon ang pagpapayabong ng wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang instrumento sa pagbubuo ng isang matalinong lipunan na aktibong nakikibahagi sa pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa.