𝙋𝙖𝙜𝙩𝙖𝙣𝙖𝙬 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩.

Ito ang sentro ng pagdiriwang ng 𝟱𝟯𝗿𝗱 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗻𝗴 𝗣𝗡𝗨𝗡𝗟 na isinagawa sa bulwagan ng pamantasan ika-22 ng Hulyo, 2024.

Muling binalikan ang nakaraan sa mensahe ng Ehekutibong Direktor at tagapagpaganap, Dr. Agnes S. Reyes ang makabuluhang paglalakbay ng PNUNL mula sa pagiging payak hanggang sa pagharap sa mga inobasyon at pagbabago. Muli ring inalala ang pinagdaanan ng PNUNL sa kung paano nito inabot at naabot ang mga pagbabagong nagbigay ng tunay na pagkapanalo mula sa pagiging sentro ng kahusayan sa edukasyong pangguro hanggang sa pagiging IP Hub dito sa Hilagang Luzon.

Naging malaking manipestasyon ito upang umani ng samu’t saring tagumpay ang NL na siyang lalong ikinalugod ng Pamantasan sa pagbuo ng mga makabago at masining na guro ng bayan.

Samantala, pinarangalan din ang mga kawaning naglingkod at nanatiling matapat sa pagbibigay ng dekalibreng kahusayan sa pagtuturo at paghulma ng mga mahuhusay na guro, kasabay nito ay kinilala rin ang labimpitong miyembro ng kaguruan na siyang napromote sa DBM-CHED Joint Circular No.3 Cycle 1.

Sa simpleng indakan, awitan at mga palaro na isinagawa at ipinamalas na kasiningan ng PEMS club, PNUNL Kalibnusan Chorale at Danggayan Cultural Group ay nabigyang kulay ang natatanging paggunita. Binigyang pasasalamat din ang walang sawang suporta ng mga stakeholders, mag-aaral at mga guro sa palagiang pagbibigay ng wagas na serbisyo at sa hindi matatawarang kahusayan.

Aabangan naman sa mga susunod na araw ang iba pang gawain na may kaugnayan sa pagdiriwang ng foundation,ang Bags of Joy na isasagawa sa ika-23 ng Hulyo sa San Pablo, Isabela at ang Panagawid o ang Alumni Homecoming na gaganapin naman sa Hulyo 27, 2024.