Taos-pusong binabati ng Philippine Normal University North Luzon (PNUNL) ang mga miyembro ng fakulti na nagkamit ng promosyon sa ilalim ng 2026 Faculty Merit System Promotion, alinsunod sa PNU Board of Regents Resolution No. U-4085, s. 2026, na inaprubahan noong ika-6 ng Agosto 2026.
Ang promosyon ay higit sa pagkilala sa pag-angat ng ranggong akademiko. Sinasalamin nito ang kahusayan sa pagtuturo, pananaliksik, at paglilingkod, gayundin ang patuloy na pagtupad sa mataas na pamantayan ng propesyon at ng Pamantasan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng personal na pagsisikap, kundi patunay ng isang bokasyong pinanday ng husay, integridad, at malasakit.
Nawa’y ang bagong ranggo ay maging panibagong hamon upang higit pang paglingkuran ang Pamantasan, ang propesyon, at ang bayan.
Mataas na pagpupugay at pagbati!

