Ipinagdiwang ng Philippine Normal University North Luzon (PNUNL) noong Hulyo 24 ang ika-50 Commencement Exercises sa LGU Alicia Community Center, kung saan 181 magsisipagtapos ang pormal na tumanggap ng kanilang mga diploma bilang pagkilala sa matagumpay nilang pagtatapos ng kani-kanilang programa.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 taon ng commencement exercises ng pamantasan, kinilala rin ang 54 na nagtapos na nagkamit ng akademikong karangalan. Kabilang dito ang walong Magna Cum Laude at 46 Cum Laude na pinarangalan dahil sa kanilang natatanging pagganap at kahusayan sa akademya.