Isinagawa ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU) ng Philippine Normal University North Luzon ang β€œPara sa Pantay at Magalang na Araw-Araw: Gender Sensitivity Training for External Stakeholders” noong Agosto 19, 2026, sa 4th Floor, Multi-Purpose Hall, Innovation Hub Building, PNUNL. Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan at pag-unawa sa mga usaping pangkasarian at itaguyod ang isang ligtas, magalang, inklusibo, at gender-responsive na kapaligiran para sa buong komunidad ng Pamantasan.